
If you came from any province in Northern Luzon, malamang dadaan ka sa North Luzon Expressway (NLEX). Mabilis kasi ang biyahe. Lalo na ngayon, dumarami ang mga Expressway projects ng government. Kung galing ka nga ng Baguio, thanks sa inter-connection ng TPLEX, SCTEX, at NLEX, within 4 hours nasa Manila ka na.
Ang problema, pagdating mo ng Manila, at nagkataong rush hour, mabagal pa rin ang usad ng mga sasakyan. At kung aakyat ka pa ng EDSA Southbound lane sa may Cloverleaf sa Balintawak, sasalubungin ka ng traffic. Napakaraming mga sasakyan—big and small—ang tila nag-uunahan sa inch-by-inch na pag-usad. Paano ba naman kasi, 2 lanes minsan ang occupied na parking space ng mga namimili sa Balintawak Market. Mabagal tuloy ang flow ng traffic sa natitirang lanes ng EDSA.
Mabilis lang ang four or five years sa College. Throughout College, may mga friends ka na, mas nakikilala mo ang sarili mo, and you’re starting to learn about your skills and your abilities. May mga times na para ka lang dumadaan sa Express Way, hindi mo napapansin ang mga oras, araw, at taong nagdaraan dahil super absorbed ka sa pag-aaral at may mga iba ka pang extra curricular activities.
Iyong iba naman, medyo natratraffic dahil sa iba’t ibang reasons—puwedeng kulang ang pang-tuition at nagiging working student; yung iba naman, may mga mistakes kaya kinailangang tumigil sa pag-aaral, still, yung iba ay tumitigil or nagshi-shift dahil hindi nila love ang course na kinuha nila and they’re searching for that course na in line sa passion nila.
Kahit naman na-traffic ka nang kaunti, ang mahalaga matapos mo ang pag-aaral mo. Yes, there are people like Bill Gates, Steve Jobs, at Mark Zuckerberg na mga college drop out pero naging sobrang yaman. But if you don’t have their skills and their vision, mas okay nang tapusin ang College.
Truth is, you may not have a job that’s related to your course once you start working. Ako nga, Political Science ang course, but I didn’t proceed to take up a Law degree. Wala rin ako sa government service. So you could say na hindi useful ang Political Science for me.
But I’m still thankful that I took it. Why? Because of the training in research, expressing myself through recitation, and getting to know friends from College. Pagka-graduate mo from College, you’ll surely miss a lot of things.
First off, siempre, you’ll miss your friends and classmates.
Masaya tumambay kasama ng barkada, magkulitan, at magtulungan sa mga assignments at mga pinagagawa sa klase. (Okay, kahit ayaw mong aminin, mami-miss mo rin yung pagko-CTRL+C sa sagot ng kaibigan mo sa mga questions na nagpasakit ng ulo mo!) Ang sabi nila, iba raw ang friendship na nadedevelop during High School.
Truth is, lalong iba iyong mga friendship na na-develop over College. You can help each other even after graduation at madalas, you can still laugh out loud sa mga kapalpakan at mga embarassing moments nyo nung College.
Scary Professors.
The scarier a prof, the more memorable they are! Iyon bang kapag naalala mo sila eh para ka pa ring kinakabahan. Sila iyong may mga mala-Medusa ang tingin. Iniiwasan mong makipagtinginan sa mata kapag may question for recitation at baka kapag natingnan ka eh you turn to stone right away!
Napaka-demanding din ng mga Terror Prof. Kahit iyong mga saksakan ng tamad na classmates mo, biglang nagsisipag. At kahit na parang lagi kang kinakabahan sa tuwing pagpasok mo sa klase niya, alam mo rin naman na marami kang natutunan. Of course, may mga teachers din naman tayo na sadyang mababait—parang mga 2nd Nanay at 2nd Tatay sa atin. Sila rin yung mga madaling lapitan kapag may mga problems tayo sa acads, minsan pati na rin sa family, at sa love life. Huwag mo lang silang utangan, cool na cool sila at parang kaisa ng mga students lagi.
Maraming free time.
Kapag nag-umpisa ka nang mag-work, you’ll realize na sobrang dami mo palang free time noong College. Baka nasubukan mo nga iyong pinakapangit na schedule sa balat ng lupa. Iyong tipong gigising ka ng 5AM para makaligtas sa traffic at makapasok sa 7:00 AM na class mo. Matatapos ang class ng 8:30 tapos ang next class mo 11am. Tapos may vacant ka na namang 3 hours sa hapon, at matatapos ang final class mo ng 5:30pm. Naging bestfriend mo tuloy si Ronald McDonald, si Jollibee, at kung sino mang masscot ng favorite mong fastfood in the neighborhood. O kaya, super tambay ka na rin sa library—hindi para mag-aral kundi para umidlip. Eh kasi kung sa fastfood mapipilitan kang gumastos. Aba, kung French Fries lang inorder mo, mauuhaw ka naman, tapos kung
Allowance from parents.
Masarap maging student. Pumapasok ka na nga sa school, may libreng baon ka pa from Mommy and Daddy. Minsan, iyong sukli ng tuition fee, hindi mo na binabalik sa kanila, napupunta na sa pagkain at pagimik-gimik. At pagka-graduate mo, isa iyan sa mga mawawalang perks. No more baon from parents. No more kickback sa tuition fee at mga projects.
Ikaw na mismo ang kailangang kumayod para sa sarili mo. May mga parents at mga kapatid pa rin naman who will help you establish yourself. Pero hindi iyon pang-matagalan. Dahil nakapagtapos ka na at magwowork ka na, dapat maipakita mo rin na kaya mo nang tumayo sa sarili mong mga paa.
Petiks Moments.
Sa kasagsagan ng semester, uber busy ka. Pero may mga times naman na petiks lang. May mga subjects na hindi ganoon ka-demanding. May mga subjects din na hindi ka nahihirapan dahil gamay mo na and it comes naturally for you. At kung isa ka sa mga Math whiz, congrats! Isa kang pinagpalang nilalang.
Bukod sa mga petiks na subject at mga free time sa school, siempre, nandiyan ang sem break at summer break. Movie marathon maghapon. Laro ng video games magdamag! At maraming students ang nagiging B.B.: Buhay Baboy! Kain to the max, tulog to the max. Sulitin mo na yan habang puwede pa. Pagkatapos ng college, bawal na iyan! Kung mapilit ka, isa ring B ang itatawag sa iyo: batugan!
Student discounts.
Kapag nagtapos ka na sa college, mawawala na ang discount mo sa bus at sa jeep. At kahit mukha ka pa ring student, please naman, bigyan mo na lang ng konsiderasyon si mamang driver na hirap sa pagtratrabaho maghapon. At kung Masteral student ka na, aba, exempted ka na rin sa student discounts. Paminsan minsan may mga student discount din sa mga fastfood at sa mga turo-turo. May mga places din naman na mura talaga ang kainan at bilihan ng meryenda. Pero ingat-ingat ka rin at baka mapunta ka sa Hepa-Lane.
After College: Ang Balintawak Cloverleaf ng Career Mo
Even good things come to an end. No matter how much we enjoy our college life it has to end somewhere. Kung tatanungin mo rin ang mga parents mo, aba’y dapat talagang mag-end ang College life mo para naman makahinga ang kanilang bulsa at tumaba-taba rin ulit.
Hindi ko alam kung makulay o boring ang College life mo. As soon as you graduate, maraming questions ka na dapat sagutan. Kung noong bata ka ang tanong sa iyo eh “Anong gusto mong maging paglaki mo?” Ngayon na lumaki ka na at nakatapos ng College, kailangan mong tanungin kung ano ba talaga ang gusto mong gawin.

Kung galing ka sa NLEX at papasok na ng EDSA, may tatlong direction kang puwedeng puntahan. Diretso papunta sa Manila. Turn right at dadaan ka sa North Bound lane ng EDSA, patungo sa Monumento. Turn left at papasok ka sa EDSA South Bound lane, papunta sa mga business districts at iba pang makulay na bahagi ng EDSA at Metro Manila. Similarly, pagkagraduate mo sa College, may iba’t ibang path ka rin na puwedeng tahakin.
Magtrabaho bilang empleyado.
Ito ang pinakacommon na path ng maraming graduates sa Pilipinas. Marami namang companies—multinationals at local—na naghahanap ng mga skilled indviduals para maging bahagi ng kanilang company. Sigurado namang magagamit mo ang mga pinag-aralan mo noong College ka. Kaya lang, for sure, marami kayong mag-aapply sa mga available jobs in the market. Very competitive na nga ang job market sa ngayon. Kailangan may edge ka sa iba pang mga graduates.
How can you get that edge?
Kung galing ka sa mga top colleges and universities, may edge ka. May natural edge sa job market ang mga graduates ng UP, UST, De La Salle, at Ateneo sa mga highly sought after na klase ng trabaho. Kaya nga minsan, hindi masyadong napapansin iyong mga applicants from other schools na mahuhusay din naman. On top of that, may dagdag edge na naman ang mga cum laude at topnotchers sa Licensure Exams. Sabi ng isang friend ko na Business Econ graduate from UP Diliman, halos doble ang difference ng salary offer sa cum laude at sa hindi cum laude. Hindi lang iyan, iyong cum laude, puwedeng maging management trainee kaagad ang status sa company.
Don’t worry though kung hindi ganun ka-astig ang mga grades mo nung college at kung hindi ka galing sa mga top universities. Ang advantage na iyan ay applicable lang sa first year of working after college. Pagkatapos niyan, your career growth will be dependent on your performance as a worker and as a professional. If you take that as a challenge and improve yourself in the best way possible, puwedeng mag-improve ang career prospects mo.
Magtrabaho abroad.
Puwede ka ring magtrabaho abroad. Siempre, masalimuot at very challenging ang buhay abroad. Depende sa bansang gusto mong puntahan, puwedeng malimitahan ang iyong freedom. May mga bansa na ayaw pumayag sa free expression of religion. Kung Christian ka at nasa isang bansa ka na may religious restrictions, mahihirapan kang i-express ang iyong spirituality. Puwede ka ngang hulihin kung may dala kang Biblia at mga Christian books. So isipin mong mabuti kung gusto mo talagang mag-abroad at kung willing ka na mag-risk. Sa isang banda, kung single ka pa naman at gusto mong makaipon, makakatulong ang pag-aabroad sa iyo. At habang kabataan ka pa, masarap din mag-explore ng iba’t ibang bansa at mga kultura.
Magtayo ng business.
Hindi totoo na mga Filipino-Chinese lang ang puwedeng magtayo ng business. Although may advantage ang mga Tsinoy sa business, puwedeng puwede pa rin namang magtayo ng negosyo ang mga Pinoy. Kapag naging entrepreneur ka kasi, mabibigyan mo rin ng trabaho ang iba pang mga Pinoy dahil kailangan mo ng mga katulong sa pagpapatakbo ng iyong negosyo. Kaya lang, if you pursue this path, kailangan mong maghanap ng source of capital at kailangang makakuha ka ng crucial skills sa pagpapatakbo at pagpapalaki ng negosyo mo.
Maging freelancer.
Puwede ka rin namang maging isang freelancer. Para din itong pagiging entrepreneur pero ang pinagkaiba, nag-ooffer ka ng services para sa iba’t ibang clients both online and offline. Marami nang mga online freelancers sa Pilipinas ngayon. Depende sa website na iche-check mo, there could be anywhere between 600,000 to 1 Million Filipinos na may online raket. If you have some skills na puwede mong ioffer, then you should definitely consider becoming a freelancer.
Maging isang Social Servant.
Ito na siguro ang pinaka-challenging na path. Ang mga social servants kasi, pinu-pursue nila ang kanilang idealism. Iyong tipong kahit hindi sila yumaman okay lang basta sustainable ang buhay at sinusunod nila ang calling nila sa buhay. Sila ang mga nabu-burden na maging bahagi ng solution sa maraming problema ng mundo. Tanungin mo lang ang ilan sa mga teachers na patuloy na nagsisilbi at nagtuturo sa mga bata at kabataan kahit hindi ganoon kalaki ang kanilang kita; mga social workers na tumutulong sa mga abused na mga bata; or iyong mga activist na nagsusulong ng pagbabago sa lipunan. Isama na rin natin diyan ang mga Pastor, Pari, Madre, at mga individuals na tila may vow of poverty dahil sa pagsunod sa kanilang calling.
Hindi lahat ay tinawag sa ganitong path. Sa totoo lang, may mga part-time Social Servants din naman. Sila iyong mga empleyado at business-owners na nakakahanap ng paraan para magsilbi sa kanilang kapwa. So kung ito ang path mo, kailangan mo ring maghanap ng paraan para maging sustainable ang iyong buhay at hindi ka rin maghirap. At kung magkakapamilya ka na, lalong magkakaroon ka ng dahilan para maghanap ng isang sustainable solution.
GPS
Ngayon na isa ka nang ganap na young professional, maraming uncertainties, maraming doubts at puwedeng may mga fear and doubts ka sa mga susunod na hakbang mo. Kagaya ng dialog ng mga old Pinoy movies, marami ka pang kakaining bigas.
Kahit dire-diretso lang ang EDSA mula Monumento hanggang Mall of Asia, puwede ka pa ring maligaw. Puwedeng makatulog ka sa biyahe at lumagpas ka sa dapat mong babaan. Or baka hindi mo talaga alam kung saan ka pupunta: instead of taking the MRT, nag-LRT1 ka; o di kaya dapat MRT Southbound ang biyahe mo, pero dun ka sa Northbound sumakay. Puwede kang sumunod sa agos ng mga tao. Kung saan pupunta ang maraming tao, sugod ka rin doon. Kaya lang if you do this, mawawala ang sarili mong initiative and before long, you may not even learn to stand up for yourself and discern where you really want to go at kung ano talaga ang gusto mong gawin.
Buti pa sa EDSA, maraming sign boards na gagabay sa iyo kung saan ka pupunta. May Google Maps na rin—puwede mong tingnan kung nasaan ka at makakahingi ka rin ng directions sa patutunguhan mo. Pero sa totoong buhay, bahala ka; walang ibang magtuturo sa iyo kung saan ka pupunta. Sure, your parents and your friends can help you decide where to go and what you can do with your life. In the end, decision mo pa rin kung saan ka pupunta.
There’s one sure way to avoid getting lost: “Trust in the Lord with all your heart; do not depend on your own understanding. Seek his will in all you do, and he will show you which path to take.” (Proverbs 3:5-6, NLT)
If you trust in the Lord, it doesn’t mean that the ride will all be smooth—may traffic pa rin, may mga butas pa rin sa daan na kailangang iwasan, at definitely may mga roadblocks along the way, but if you trust in the Lord, you will know the path to take and arrive at your destination.
Parang pagbibiyahe pa rin iyan sa EDSA. Even if you know your destination at alam mo ang mga dadaanan mo papunta doon, you will still encounter traffic, mga baku-bakong daan at kung anu-ano pang mga roadblocks. Lalo na kung sa MRT ka sasakay, sobrang daming tao ang kasabay that you feel like somebody participating in the rat race. Let’s talk about the rat race in the next chapter.