College Ka Na, Now What?

You took several entrance tests. Nag-graduate ka na from high school. Nagpakain ka na rin ng maraming friends and relatives. Before you knew, it is time to pack your bags and go to college.

How does it feel to be moving to college?

Nakakatuwa? Medyo nakakatakot kasi you’re moving away from your parents? Intimidating? Kasi maraming kailangang aralin at maraming projects na kailangang gawin?

Whatever you’re feeling now, it’s okay. Normal lahat ang mga iyan. When faced with something new, medyo nenerbiyosin naman talaga tayo.

Here are several things to remember as you start your college life.

College is different from high school.

Ibang-iba ang college from high school. It’s more demanding. Your teachers will not always remind you to attend classes or do your homeworks. Nung high school ka, medyo mabait pa ang mga teachers at minsan nagbibigay pa ng leeway at maraming reminders.

Sa college, pwedeng may mga teachers pa ring ganyan kabait. Pero, they expect you to be responsible for yourself and do your responsibilities.

You’re independent now but not completely.

Marami kang mga life skills na kailangang matutunan. You should know how to wash your own clothes. Cook your own meals. Commute. Manage your allowance.

At saka, kailangan mong matutunan tumayo sa sariling mga paa. Your allowance and other means of support will still come from your parents. Pero kagaya ng ibang mga students na kailangan tumira sa boarding house, malayo ang parents mo at mga kapatid mo na pwedeng tumulong sa iyo.

Kung hindi ka naman umalis sa bahay ninyo kasi nasa hometown mo ang college, then magiging mas independent ka pa rin. Your parents can help you, but not as closely compared to your high school days.

Always remember, though: you’re still accountable to your parents or to family who are sending you to school.

This is a time for learning and studying.

You will not have another opportunity like this. Ang focus mo ay mag-aral at i-improve ang sarili. Yes, you will have friends. But you should think of your college years as your training years. Inihahanda mo ang sarili mo sa pagsabak sa mga hamon ng buhay.

As you study, train, and prepare yourself for the future, make the most out of your college life.

Tatlo lang naman ang sikreto ng pag-survive sa unang taon ng College:

Attend classes.

Hindi dahil independent ka, o matalino ka, pwede ka nang umabsent nang madalas. Remember, nasa College ka para mag-aral. The best way to use your time is to attend classes.

Oo, pwede kang mag-aral just by reading books, or watching related videos on YouTube or other learning websites. But by attending your classes, you get to shortcut the learning process.

Very knowledgeable ang mga professors mo. Listen to them. Learn from them. And more importantly, pay attention to the big concepts and ideas they are sharing to the class.

Do your coursework.

Gawin mo ang mga assignment at term papers. Magreview ka para sa mga exams at quizzes. At kung nasa sciences or technical courses ka, solve the assigned problems.

Magtatapos ka na lang din naman ng college, lubos-lubosin mo na! Aim high and try to get excellent grades. It’s not as hard as it looks.

Pwede kang makakuha ng magagandang grades without sacrificing your social life or your sleeping time!

Dito sa SuperEpicYouth.com, we will give you study tips to help you get good grades!

Make friends!

The friends you make in college may become your best friends for life. Not only that, sila yung tutulong sa iyo kapag nahihirapan ka sa mga subjects mo, kapag delayed ang allowance mo, o kapag may mga problema ka sa emotions at sa buhay!

Pag-uwi mo sa hometown mo, pwedeng maraming magbago. Lalo na kung nagpunta kayong mga high school friends sa iba’t ibang college. Saka talagang may mga magbabago sa estado ninyo sa buhay.

Just a fair warning. Pwede ring maging cause ng problems ang mga friends. So be careful in choosing your friends.

Sa Madaling Sabi…

College is a great time for learning, training, and preparing for your future. To maximize your college experience, attend classes, do your coursework, and make friends!

Tags: , , ,

Leave a Reply

Your email address will not be published.

*