After crossing the Guadalupe bridge, you’ll soon approach the intersection of EDSA and Ayala Avenue. If you turn left, you’ll go to the Bonifacio Global City in Taguig, where a lot of big name companies hold their offices. If you turn right, you’ll find yourself in the middle of Ayala Avenue that serves as the main thoroughfare of the Makati Central Business District.
Either way, maraming nagtataasang buildings ang makikita mo, and on any given workday, maraming well-dressed yuppies ang naglalakad mula EDSA papunta sa mga offices nila. Nevermind the morning heat and the sweat, mas mabilis pa ring makakarating sa office if you walk.
Isa rin ang Ayala Avenue sa mga parts ng Metro Manila na hindi natutulog. Kahit gabing-gabi o madaling araw, maraming yuppies ang nag-uumpukan sa mga baba ng buildings for their coffee and yosi break. Several years back, nagtratrabaho ako sa isang Call Center sa PBCom Tower at nagkataong 4am ang umpisa ng shift ko. Pagdating sa Ayala corner Makati Avenue, may taxi na nakatigil dahil naka-red ang traffic light. Tumigil din yung taxi na sinasakyan ko. Noong nag-green na ang traffic light, umusad na kami. Iyong taxi na kasabay namin, nandoon pa rin at nakatigil. Apparently, nakatulog yung pasahero. Ang siste, pati driver nakatulog pala!

Kapag uwian na sa hapon, magsasabay-sabay namang magpunta sa MRT o sa bus station ang mga yuppies at magbabakasakali na makauwi nang maaga. Thankfully, may covered walk naman na parallel sa Ayala Avenue. At least, nasa lilim ka habang naglalakad. At siempre, dahil isa kang yuppie, kailangan well dressed ka! Even if you’re suffering from the Pre-Payday Poverty Syndrome (3PS) dahil paubos na ang pera mo at three days away pa ang payday, you still have to dress well.
The problem, though, is that habang papalapit ka sa MRT galing sa office mo, kailangang dumaan ka sa ilang malls: Greenbelt, Landmark, at SM Makati. Marami kang temptation na dadaanan. So kung may 3PS ka at narinig mong nagrereklamo ang tiyan mo, wala kang magagawa kundi
- Dumiretso sa MRT at kunwari hindi narinig ang tiyan, or
- Magtiis sa siomai na mabibili sa MRT Ayala Station, or
- Magpalibre sa kaibigan na kasabay mong naglalakad.
At habang naglalakad ka, you keep promising yourself na hinding-hindi ka na ulit magsa-suffer sa 3PS. Ever. Again.
Whether we like it or not, bahagi ng buhay natin ang pera. Madalas itong panggalingan ng worry, lalo na nga kung madalas kang magkaroon ng 3PS. Madalas din itong pinagmumulan ng away lalo na kung may kaibigan kang pinautang. Tapos kapag singilan time, biglang Out-of-Coverage area na siya. At kapag magsasalubong kayo sa mall, bigla siyang lilihis ng daan dahil nakita ka at kunwari hindi.
Contents
Money, Money, Money.
Kung nakapagtapos ka na at nag-umpisang mag-work, of course, kailangan mo ring kumita. Sa panahon ngayon, marami nang opportunities ang mga yuppies to earn a lot of money, especially sa mga industries na malaki magpasahod kagaya ng IT at BPO among others. With your salary, marami kang opportunity na makapag-ipon, makabili ng mga matagal mo nang pinapangarap na gadgets, puwede ka na manligaw dahil may pang-date ka na at hindi mo na hinihingi sa magulang mo ang allowance mo. And on top of that, puwede ka na magpaka-independent, umalis sa bahay ng parents mo and try to live life on your own.
Bukod sa salary mo, here are several things that you should be mindful of.
PAG-IBIG na walang kinalaman sa puso at iba pang mandatory membership.
Bukod sa tax, may mga ilang bagay pang kinakaltas sa salary mo. Kaya kailangan mong busisiin at tingnan ang payslip mo. Mag-iingat ka lang though, kasi sa umpisa, baka atakihin ka sa puso kapag nakita mo ang laki ng tax na binabawas sa iyo. Lalo na kung malapit sa 30,000 ang suweldo mo.
May mga government-mandated membership ka rin na dapat mong i-monitor at pakinabangan gaya ng Social Security System (SSS) para sa mga private sector employees at Government Service Insurance System (GSIS) para naman sa mga employees ng government. May counterpart ka na payment dito at may counterpart din ang employer mo. Kung sakaling magkaroon ka ng emergencies o important expenses kagaya ng maternity, sickness, o kung trip mo lang bumili ng kung ano or magbakasyon, you can apply for a loan.
At kahit hindi okay (or non-existent) ang buhay pag-ibig mo, puwede ka rin namang mag-housing loan sa PAG-IBIG Fund after making contributions for 24 months straight. Isa ito sa mga biggest regret ko in my early twenties. Kung alam ko lang sana ang tungkol sa PAG-IBIG Fund, I would have requested for a loan para sa sarili kong property, just 2 years after I started working. Para may bahay na ‘ko. Later na lang ang aking ‘maybahay’.
Okay lang din naman if you don’t intend to do this right away. You may want to ask yourself kung saan mo ba talaga gustong mag-settle down—sa Metro Manila ba or somewhere in the province. Siempre, kung hindi mo pa alam tapos bumili ka na ng lupa at bahay or Condo unit, baka ma-lock in ka sa isang financial responsibility na hindi ka pa pala ready.
Health is Wealth, sabi nila. And Philhealth will help you maintain your health. Kung kailangan mong maospital dahil sa dengue, accident, or kung may nakain ka na nakasama sa tiyan mo, sobrang laking tulong ng Philhealth. At kahit na may Health Maintenance Organization (HMO) card ka, kailangan pa rin ng Philhealth bago nila i-process ang assistance sa iyo.
Mutual Funds, Stocks and Other Investments.
Kailangan matuto na rin tayong mga yuppies sa pagkakaroon ng savings at ng mga investments. While you are young, it is really best to start saving and investing. Hindi na sapat ang simpleng Savings Account sa mga bangko ngayon. Bakit? Dahil sa inflation. Ang interest rate ng ordinary savings account sa bangko ay less than 1%.
Imagine?! Kung ang inflation rate ng Philippine economy ay nasa 4-6%, mabilis bumaba ang halaga ng pera mo. Kung dati ang P200 ay sakto lang para sa Hamburger at upsize ng French Fries at drinks ng dalawang tao, in the next two years, kulang na iyan. In the same way, ang value ng money natin ay nababawasan over time. Kaya kailangan din nating mag-invest in other financial instruments.
Hindi ako financial planner at lalong hindi ako personal finance guru. But if you search online, you will find a lot of information about mutual funds, stocks, at iba pang klase ng investments na puwede mong pasukin. This will depend on your level of risk tolerance. Magkano ba ang pera na puwede mong i-invest? Please lang, huwag na huwag mangungutang para mag-invest. Make sure na may ipon ka at may emergency fund ka rin para magkaproblema man, hindi mo kailangang mangutang at mamulubi.
Extra Income.
Lipas na ang panahon na tocino, suka, at ice candy lang ang puwedeng pagkakitaan na raket. These days, kung marunong kang magsulat, mag-Twitter, Facebook, at iba pang Social Media, puwede ka nang kumita ng extra income on the side. Through the Internet, marami nang online work na puwede mong gawin on your spare time. You can devote at least one hour para sa ganitong trabaho.
Or if you have a lot of time, kahit buong maghapon, karirin mo na ang pagraraket. In fact, dumarami na ang mga Pinoy na may online raket. If you search information from the freelance websites ngayon, there are around 600,000 to 1 Million Filipino online freelancers ngayon. Why don’t you try it? It can help you fund some of the projects na gusto mong pasukin.
Don’t jump blindly into these things, though. Kailangan mo ng matinding research para hindi ka malugi. Especially in risky financial instruments like stocks and some mutual funds, crucial ang research. Do your due diligence at huwag lang magpatangay sa uso.
Mga Financial Matters na Dapat Iwasan
Marami ring mga money matters na kailangan iwasan. Hindi dahil may pera ka ay invincible ka na. In fact, kung hindi ka maingat, you may end up losing a lot of your money at hindi lang dahil sa pagimik-gimik. But if you bite into the temptation of living “The Yuppie Life”, baka maubos ang pera mo, mabaon ka pa sa utang. Here are several pitfalls na dapat nating iwasan.

Consumerism.
Karamihan ng mga offices ng local at multinational companies ay malapit sa mga business districts, malls, at iba pang pagkakagastusan. Kung tutuusin, lahat na lang ng bagay sa Metro Manila, kailangang bayaran—pati nga yung mahaba na manipis na tabla na inilagay ng mga tambay sa ga-talampakang baha, kailangang bayaran ng piso. Iyong pedicab tuwing baha, nagkakaroon ng 200% fare hike! Pero there’s a more sinister force at work sa ating mundo ngayon. It plays on our emotions; on our desire to be “cool” at sa kagustuhan nating makiuso.
We want to have the latest gadgets, experience the latest entertainment thrills. Uso ang travel to Bali, Thailand, and Europe, join din tayo. Di bale nang ma-max out ang credit card, maubos ang sahod, at manghingi pa sa parents, makasama lang at maka-keep up lang sa “yuppie lifestyle.” Wala namang masama sa mga bagay na ito. Pero ang guidelines diyan, gaya nga ng sabi ni Vic & Avelynn Garcia ng Unleash International, dapat “kurot” lang ito sa overall finances natin. Eh kung hindi lang kurot kundi ibinuhos na natin ang lahat-lahat, gudlak na lang sa future na sinusubukan mong buuin.
The problem with consumerism is it forces us to enjoy the “good life” now at all costs. Hindi na natin naiisip na kailangan nating mag-impok, kailangang isipin ang kinabukasan. And if we live only for the present, we might even spend the money for our future: we go into debt.
Utang, utang kayo diyan.
Public School teacher ang mother ko. At sa totoo lang, kung hindi sa mga naging loans niya noon, my sister and I would not have made it through College. In fairness, hindi lang mga teachers ang may problema sa pangungutang. Uso na ngayon ang pagsasanla ng smartphone, ng mga laptop at iba pang gadgets. Balita ko nga, uso na rin ang pagsasangla ng ATM! So ang mga nangungutang, hindi na sila ang unang nakakatanggap ng sahod nila. Kukunin na ng pinagsanglaan nila ang bayad sa utang bago ibalik sa kanila ang ATM.
Hindi man mag-Cash Advance o magsangla ng ATM ang mga yuppies ngayon, marami naman ang tila isinangla na ang buong kinabukasan nila through various credit cards! Masaya kasi mag-shopping lalo na kung hindi cash ang dala mo. Nakakita ka ng magandang tennis shoes: swipe it! Ganda ng bagong iPhone: swipe it again. Travel to Boracay? Online booking and pay via credit card. Before you know it, may utang ka na na 80,000 Pesos!
Look at that amount again. Kung ang suweldo mo monthly ay P20,000, how long will you need to pay that loan?
According to my friend Sha Nacino, it took her exactly three years of grueling experience para mabayaran ang amount na iyan. She learned a lot! Because she worked for a multinational bank, nabigyan nga siya ng credit card na may malaking credit limit. Because she lacked the discipline to use it wisely, she ended up with that amount. Pagkatapos ng pagtitipid at maraming emotional outbursts, she managed to pay it off. Thankfully, that gave her such a life-changing experience that she was able to write a book about it.
Thankfully, marami nang mga personal finance books, blogs, at seminar ngayon. Educate yourself. Learn how to manage your finances. Huwag kang padadala sa bugso ng damdamin at gastusin ang pera na nakalaan sana sa kinabukasan mo. Don’t ever use a credit card until kaya mong bayaran in full ang credit limit na na-assign sa iyo.
Failure to Save.
If you are pursuing a materialistic, consumerist lifestyle, napakahirap mag-save ng pera. But seriously, if you could just save at least P200 per month. You would have 2,400 for the year. If you can increase that to P500, you’ll have P6,000 for the year. The more you save, the more amount you can have at the end of the year.
But why do most yuppies fail to do this? Because we don’t think about our future. Because we lack the discipline to do it. Essentially, the failure to save is the failure to prepare for your future. Don’t just live in the moment. Kahit mahirap isipin at ma-imagine ngayon na nasa twenties ka pa, you will eventually grow old and if you don’t save now, you may end up working well into retirement age. And even that might not be enough.
The Breadwinner Predicament.
There is, however, another reason why a lot of yuppies fail to save. This one is related to our culture and our responsibility to our families.
Part na yata ng culture natin na expected ang mga anak, particularly ang panganay, na tumulong sa family finances—kailangan mapagtapos ang mga kapatid, matulungan ang mga magulang sa kanilang monthly expenses, at i-set aside ang personal na pangarap for the sake of the family.
This is not an easy responsibility to bear. Sa isang banda kasi, bilang breadwinner, you are happy to help your family. Natutulungan mo ang mga kapatid mo to achieve their dreams, napapasaya mo ang mga magulang mo. Pero paano naman ang mga pangarap mo para sa sarili mo? What about your own happiness? May mga breadwinners nga na tumatandang dalaga o binata dahil sa pagtulong sa family. Minsan din, dahil nasanay na ang mga family members sa tulong ni Kuya o ni Ate, hindi na rin sila nagpupursige para matulungan siya sa family finances. Ang masakit pa minsan, they feel entitled to the money galing kay Kuya o Ate at kung kulang, nagdadabog pa!
So, how can you hope to deal with this?
Ask for help.
Puwedeng magkaroon ng family conference at humingi ka ng tulong. If puwedeng mag-part time work ang kapatid mong college, let him do it. Divide the responsibilities. Kung may iba kayong kapatid na nagtratrabaho na rin, divide the expenses among yourselves. One can take care of the household expenses, yung isa naman could pay for the allowance of the college student. Tapos yung tuition fee, pagtulong-tulungan.
Magtira para sa sarili.
Parang lovelife lang din ano? You also need to pursue your dreams and your passions at huwag maging sobrang busy in the name of helping your siblings and your family. Kailangan ma-envision mo ang sarili mo in the future that you are pursuing your dreams and your visions.
Magtakda ng deadline.
It will help you to know na may hangganan ang lahat. Kahit sobrang nahihirapan ka ngayon sa pagpapaaral at pagsusupport sa family mo, matatapos din iyan. Don’t lose hope and look for ways to help yourself and your family in the long run.
Becoming a breadwinner is one of the best expressions of love you could show your family. Yes, it is tough and difficult, pero your sacrifice could be felt by family members in the decades to come. Kaya lang, huwag na huwag mong kalilimutan ang sarili mong mga pangarap. For that, you will need discipline and perseverance.
Disciplined Travel sa Ayala
Sa Metro Manila, normal nang makakita ng mga jeepney, bus, at mga kotse na naggigitgitan. Kung saan gustong bumaba ng mga tao, doon sila bababa, walang pakialam sa “No Unloading” sign na pagkalaki-laki. At kahit may napakalaking overpass na puwedeng gamitin sa pagtawid, gusto pa rin nilang makipagpatintero sa sobrang daming sasakyan sa highway.
That’s why when you go to Ayala Avenue at sa Bonifacio Global City, para kang lumalabas ng bansa—disciplined ang mga sasakyan, hindi basta-basta bumababa ang mga pasahero kung saan nila gusto at masunurin ang mga tao sa batas trapiko.
Imagine! Puwede naman pala tayong sumunod sa traffic rules no?
Traffic rules are meant to make our lives easier. Through these rules, nagiging secure ka na pagbibigyan ka ng mga sasakyan kung time mo na para tumawid. Simple lang naman ang mga traffic rules kung tutuusin. Go kapag green. Stop kapag Red. Huwag kang mag-U-Turn or Left Turn kung nakalagay na bawal. These things protect you from harm at nakakatulong din para hindi ka makasakit ng ibang tao o sasakyan. Imagine kung Red light na tapos binilisan mo ang pagpapatakbo sa intersection.
What if may mahagip ka na tumatawid? That’s why we need to adhere to traffic rules. Kailangan ng discipline.
In the same way, kailangan mo rin ng discipline sa pagiging yuppie, especially pagdating sa pagma-manage ng pera mo. Here’s a simple equation para sa pagma-manage ng pera mo ayon kay John Wesley: “Earn all you can. Save all you can. Give all you can.”
Earn all you can.
Magpakasipag ka. Kung may opportunity to do additional work sa office, do it. Kung kailangan mag-overtime, do it. Siempre, huwag namang araw-araw. Imposible namang 12 months of the year eh nag-oovertime ka. Baka naman may mali na sa time management skills mo niyan. But if you have opportunities to earn, go for it, as long as it is legal and within the bounds of acceptable behavior.
Given the demands for work these days, you might be asked to render overtime work. Hindi lang naman din ito usapin ng pera. By taking on work if you’re asked to, it will show that you care for the company at kaya mong mag-rise up against challenges na ibinibigay sa iyo.
Save all you can.
Ito ang isa sa mga pinakamahalagang habit na dapat mong i-develop bilang isang yuppie. When you start receiving a salary, make sure to save at least 10%. Kung kaunti pa lang ang suweldo mo, okay lang kahit maliit lang din ang maipon mo at first. Ang mahalaga, you are building the habit of saving money. At kapag nag-save ka ng money, huwag mong ubusin kaagad sa gadgets, sa pasyal, at sa kung anong luho. Look for better investments that can help you earn more money in the future.
Give all you can.
Give your tithes to God, acknowledging that the “Earth is the Lord’s and everything in it.” (Psalm 24:1, NLT) If you’re not a Christian or a religious person, you can always choose to give away around 10% of your income to a charitable institution like World Vision or Compassion Internation. Bakit mahalaga ang pagbibigay?
Generosity prevents greed from taking root in our hearts. By giving wholeheartedly and sacrificially, ipinapakita natin that we are the Master of our money, instead of Money being our master.
Kahit ma-traffic ka pa sa fastlane ng buhay yuppie, if you cultivate the right habits and the right attitude towards work and money, you will eventually reach your goals. You’re not competing with your fellow yuppies. Don’t fall into the trap of Comparisonitis. Walang ibubungang maganda iyan kundi Envy or Pride. Kaya nga, when you start receiving money, be disciplined in managing it and always, always use it for good.