Introduction
Naging familiar lang ako sa EDSA noong nag-umpisa na akong magtrabaho sa Makati bilang isang call center agent. Araw-araw, bumibiyahe ako mula sa Don Antonio Heights sa Quezon City papunta sa MRT Quezon Avenue station. Para lang makasakay, makikipila nang mahaba, pagpapawisan, kulang na lang makipagpalitan ng mukha sa mga kasabay kong pumapasok. Mas okay na yun kesa naman abutin nang siyam-siyam sa bus.
Back then, mas manageable ang crowds ng MRT-3. Ngayon, parang laging Zombie Apocalypse ang level ng pila sa MRT stations tuwing rush hour. 23.8 kilometers lang ang EDSA pero parang napakahaba nito dahil na rin siguro sa katakot-takot na trapik. Kung isa kang young professional o office worker sa alinmang business district sa Metro Manila, mahirap iwasan ang EDSA.
Bilang mga young professionals, hindi lang naman highway ang EDSA, isa rin itong symbol o metaphor ng ating mga paglalakbay sa buhay. Isipin mo—sa Northern end nito, nandoon ang Monumento ni Andres Bonifacio. Kung mag-LRT ka mula sa Roosevelt Station papunta sa Caloocan o Manila, makikita mo si Bonifacio, matikas na nakatayo kasama ang mga barkada niyang nagsipunit ng kanilang sedula para magrebolusyon sa mga Kastila. Sa kabilang dulo naman, nandoon ang malaking globo at ang Mall of Asia. Kung gusto mong mag-shopping, kumain, at mamasyal sa tabing-dagat, puwedeng puwede! Sabi nga ng tagline ng SM: “We got it all for you.”
Kung susuriin natin, dalawang monumento ang nasa magkabilang dulo ng EDSA. Sa northern end, isang monumento para sa idealism at nationalism–pakikibaka para sa bayan. Sa kabilang dulo naman, isang monumento sa capitalism at consumerism. At bilang mga kabataang Pinoy na nag-aaral o nagtratrabaho, madalas ay nasa pagitan tayo ng dalawang monumentong ito.
Medyo corny pakinggan pero ang ang paglalakbay sa EDSA ay para ring paglalakbay sa buhay—you get stuck, naghihintay ka, minsan you’re down at minsan you’re riding high! Yes, #HugotPaMore!
Pagka-graduate pa lang natin sa College, punong-puno tayo ng idealism. Gusto nating baguhin ang mundo, gamitin ang ating mga talento at ang ating degree to make a difference. Kaya lang, we realize na out of the way pala ang idealism at hindi puwedeng mabuhay nang puro puso lang. Kailangan mong kumain, magbayad ng bills, gumimik paminsan-minsan, makipag-date, at maghanda para sa future. Ang nangyayari tuloy, we get caught up with work or sa pagtatayo ng business. Marami rin ang nag-aabroad para gumanda ang kinabukasan ng pamilya.

At sa paglalakbay na ito, maraming mga stopover at stations. Sometimes we go down habang papasok sa Cubao Ilalim o kaya sa Crossing Ilalim. Minsan naman puwede tayong umakyat sa Ortigas flyover. May mga times din na iikot tayo sa Magallanes Interchange dahil hindi tayo sigurado kung saan ba talaga tayo patungo. Maraming times din na maghihintay na lang tayo sa gitna ng trapik dahil wala ka namang magagawa kundi pahupain ang trapik at sumabay sa usad pagong na galaw ng traffic. Iwi-wish mo na lang na may hovercraft ka o kaya magkaroon ng superpowers para makalipad.
Through this series, pagkukuwentuhan natin ang mga joys, challenges, at mga issues na hinaharap ng maraming yuppies. Hindi lang ito tungkol sa career but rather it’s more about your lifestage. The years after your graduation are some of the best years of your life! In fact, the decade of your twenties is the best time to explore: ang daming potentials, daming puwedeng gawin, at maraming places to explore. Kaya lang, it can also be a painful time as you come to terms with yourself pati na rin iyong mga issues mo sa pagkakakilala mo sa iyong sarili. Thankfully, marami ka namang puwedeng makasama sa paglalakbay.
To make the most out of this series, I suggest keeping a journal. Maganda rin ma-track ang mga iniisip mo throughout your twenties. When you go back to your journal years from now, you will marvel at the changes na nangyari sa iyo.
At the end of every blog post, I will ask some questions, and will ask you to work on some stuff. It may take you some time. But don’t worry, kagaya ng maraming bagay sa iyong buhay. If you take the time, and make the effort, you will reap results.
Here are the blog posts in this series:
- Buhay Yuppie, Biyaheng EDSA: Paano Maging Young Professional (Introduction)
- Monumento: Out of the Way ang Idealism
- Balintawak Cloverleaf: Entry Level
- North EDSA: Ito Pala ang Rat Race
- Timog Avenue: I Just Want to Have Some Fun!
- Ortigas: Relihiyon, Rebolusyon
- Boni-Guadalupe: Shifting Lanes
- Ayala: Traffic sa Fast Lane
- Magallanes: Divergent Roads
- EDSA Extension: Ito nga ba ang aking destinasyon?
- Pasay Rotonda: At the Crossroads