Monumento: Out of the Way ang Idealism

Monumento
image credit:Aye dela Cruz

Since naipatayo ang Roosevelt Station ng LRT-1, doon na ko lagi sumasakay everytime pupunta ako sa UN Avenue, sa Mall of Asia or parts of Caloocan, Pasay, and Manila. Mas convenient kasi. Nakakaupo ako, komportable at hindi kailangang makipagpalitan ng mukha sa dami ng mga pasahero. Iyan ang benefit ng pinakadulong train station. Every time din na sumasakay ako sa LRT1, nadadaanan ko lagi si Andres Bonifacio, kasama ang kanyang Band of Nameless Katipuneros.

Alongside Bonifacio, kinikilala rin nating bayani ang lumpo ngunit matalinong si Apolinario Mabini, ang femme fatale na si Gabriela Silang, ang mga manunulat na sina Lopez-Jaena at Marcelo del Pilar. Siempre, hindi mawawala sa list si Gen. Gregorio del Pilar dahil sa kanyang last stand sa Tirad Pass para lang mabigyan ng pagkakataong makatakas mula sa mga Amerikano si Gen. Aguinaldo.

Hindi lang naman si Bonifacio ang may monumento. Karamihan sa mga bayani ng ating bansa ay immortalized sa kanilang mga bantayog at sa mga history books na pinag-aaralan natin mula elementary hanggang College.

Pero isa si Bonifacio sa may pinakamaraming fans hanggang ngayon. Kung masusunod nga ang mga fans na ito eh, siya ang magiging National Hero at hindi si Jose Rizal. Sadly, na-cut short ang kanyang Revolutionary career dahil sa paghatol sa kanya ni Gen. Emilio Aguinaldo. Sabihin na nating wala siyang naipanalong battle against the Spaniards. Pero isa siyang master organizer: kasama siya sa founding members ng La Liga Filipina, ang organization na binuo ni Rizal.

Eventually, dahil naging impatient na siya para sa pagbabago sa lipunan, tinawag niya ang ilang mga kasama, pinunit nila ang kanilang sedula at inannounce ang pagkakatatag ng Katipunan. Armed revolution na!

Kaya lang kung gusto mong maging bayani, kailangan yata mamatay ka muna o di kaya magdusa ka muna. Remember yung term na “Bagong Bayani”? Inapply yan sa mga Overseas Filipino Workers na nagtitiis sa hirap sa ibang bansa para lamang may maipadalang pang-gastos ang mga mahal nila sa buhay dito sa Pilipinas.

Ang masaklap niyan, marami sa mga OFWs ang inaabuso at pinahihirapan ng kanilang mga amo sa ibang bansa. Actually, noong nag-uumpisa pa lang sumikat ang term na “Bagong Bayani”, isang OFW, si Flor Contemplacion, ang hinatulan ng pagkabitay sa Singapore. Although ginawaran ng parangal si Ms. Contemplacion, at ginawan pa ng pelikula ang buhay niya, hindi mapupunas ang sakit na dulot ng pagkamatay niya.

Kahit intimidating at nakakatakot maging bayani, natural na yata sa mga kabataan ang magkaroon ng idealism.

In fact, in recent history, nakikita natin na maraming mga young people (under 35 years old) ang nagkakaroon na ng big impact sa kanilang mundong ginagalawan. Ang mga students sa Tiananmen Square sa China na nagprotesta para sa democracy. Kahit na hundreds of thousands ang namatay noon, naipakita nila that young people have the power to act on what they believe is right.

Mas recent example iyong tinatawag na Arab Spring sa Middle East, where disgruntled young people used the power of Social Media and the Internet para tanggalin sa puwesto ang mga dictators at corrupt officials na nagpapahirap sa kanilang mga bansa. Of course, hindi naging happy ending lahat ng naganap after Arab Spring but it is still an indication of the energy and ability of young people to spark change.

Hindi lang naman sa pagiging activist at revolutionary naipapakita ang idealism. Marami na ring mga kabataan ang tumutulong sa mga nangangailangan through their outreach projects. Kabataan din ang nasa forefront ng technological breakthroughs sa Europe at sa America. Kahit sa Pilipinas, dumarami na rin ang mga kabataang gumagamit ng technology to help improve the lives of other people.

Bakit nga ba idealistic ang mga kabataan?

We dream of a better world.

Kumbaga, maraming kabataan ang hilaw pa sa karanasan. Sabi nga ng Greek philosopher na si Aristotle: “[Young people] have exalted notions because they have not yet been humbled by life or learned its necessary limitations.” Bilang kabataan, you do not have enough failures or victories yet, kaya puwedeng tratuhin ang iba’t ibang projects bilang mga experiment where you could learn important lessons in life. Dahil nakikita na rin natin ang mga big problems at deep needs ng mundo, we want to be part of the solution, gusto nating idedicate ang ating mga talents, skills and abilities sa mabuting paraan.

We want to live meaningful lives.

Ayaw nating maniwala na para lang sa sarili natin ang mga lessons na natututunan natin sa school. Rather, naniniwala tayo na may kakayahan tayo para sa pagbabago. Gusto nating ibalik sa bayan ang mga mabubuting bagay na natanggap din natin through our education and training.

Idealism could be an expression of following Christ.

Ang idealism ay isa ring expression ng pagsunod kay Christ. Ang pagiging Christian ay hindi lang naman tungkol sa pagsisimba tuwing linggo. It’s not just about attending Sunday School at Bible Study classes. At hindi rin lang ito tungkol sa pag-pray nang pagkahaba-haba. Rather, Jesus commanded to “love your neighbor as you love yourself.”

Matthew (chapter 25) also related one of the stories of Jesus kung saan nakaupo na sa Judgment Seat ang King. “And the King will say, ‘I tell you the truth, when you did it to one of the least of these my brothers and sisters, you were doing it to me!’ Jesus was referring to the people who fed the hungry, nagpainom sa mga nauuhaw, nagpakita ng hospitality, nagpamigay ng mga damit, at nag-aruga sa mga may sakit. Even Jesus was showing us ways to live out our idealism and our faith.

Although natural sa maraming kabataan ang idealism, consumerism is quickly creeping and becoming the dominant lifestyle of many young people. Since marami nang options ngayon for a career, mas madaling piliin ang career path na maraming perks, mataas ang suweldo, at masesecure ang future. Mahirap yata talagang i-pursue ang idealism dahil mahirap at minsan, puwedeng ma-burnout ka at bumitaw. Maybe that’s why maraming mga kabataang Pinoy ang hindi pinu-pursue ang kanilang youthful idealism.

Pursuing Idealism

But if you want to live out your idealism, not everybody will understand you, lalo na kung ang degree mo ay galing sa isang top college or university.

Kagaya na lang ng kuwento ni Sabrina Ongkiko. Graduate siya ng Ateneo de Manila University pero pinili niyang maging Public School teacher sa Culiat Elementary School sa Quezon City. Madalas daw siyang tanungin kung ano ba ang ginagawa niya sa isang public school when she could be earnings lots of money in a big company. Kung tutuusin, it was indeed a crazy decision! Madaling sabihin sa kanya na “sayang ang pinag-aralan mo.”

But she was undeterred. Ikinuwento niya ang kanyang karanasan sa isang TEDXTalk: “Yung mismong interview ko sa Division Office ng Dep-Ed, tinanong ako ng interviewer, tiningnan yung papel ko, sabi niya “O ang ganda ng credentials mo. O bakit hindi ka na l ang magturo sa private school o kaya ituloy mo iyong pagdo-doctor mo.” Parang ako “Maam, parang hindi yata ako tanggap,” di ba? Mismong iyong mga co-teachers ko nung una, sinasabihan ako na baka sayang lang yung oras ko sa Culiat Elementary School na makikita ko na mahirap magturo sa public school at lilipat din ako sa private. Parang lahat po sinasabi na mali yung desisyon ko.”

That’s idealism at work.

Kung ipupursue mo ang iyong youthful idealism, there is a price to be paid. Puwedeng hindi ka yumaman. Hindi ka maiintindihan ng mga parents mo at ng mga friends mo. Ang expectation kasi ng marami sa ating paligid: kailangan i-pursue ang material gain lalo na kung maganda ang college background mo.

Reality Bites

Just like Ms. Ongkiko, ako rin punong-puno ng idealism when I graduated from College. For some reasons, hindi pumasok sa isip ko noon ang pagpapayaman. All I thought, uuwi ako sa province namin sa Isabela at doon ako magse-serve. You know, para sa bayan. So two months after my graduation, nagreport ako sa aking first job as an English teacher sa High School at College Departments ng isang college sa Isabela.

It was a fun job at kahit paano, hindi naman namilipit ang dila ko sa pagtuturo. Teaching is such a noble profession at makikita mo talaga ang impact mo sa buhay ng mga students mo—hindi lang sa academics nila kundi pati na rin sa ibang aspekto ng kanilang development. Hanggang ngayon nga I am still in touch with some of my former students at kahit maikling panahon lang kami nagkasama, it still gives me pride na somehow I became a part of their journey. Kahit maliit ang suweldo ko, I managed to survive kasi tapat lang ng bahay namin iyong school. Hindi ako nagbabayad ng rent, pinapakain pa rin ako ng parents ko, at wala akong transportation cost.

But it didn’t work out.

A year after that, our family had to move back to our hometown, which is three towns away from the school. Nag-compute ako ng expenses. Nakupo, mauubos lang ang suweldo ko sa pamasahe at sa food expenses, kulang pa actually.

It was not a sustainable path.

Ayoko namang magaya sa ibang mga co-teachers ko noon na sa kaka-Cash Advance, wala nang natitira tuwing payday. Kung ako nga na single nakukulangan sa sahod, how much more yung mga teachers na may family? To make things worse, I also had to take up 18 units of Education and take the Licensure Examination for Teachers if I wanted to continue teaching. At my salary level, kahit pang-tuition at mga projects, di na kakayanin.

As much as I loved my teaching experience, I had to leave.

After resigning, I discovered na kapag Political Science major ka at hindi ka nag-Law o pumasok sa government service, you will need to be very creative pagdating sa klase ng trabaho na puwedeng applyan. So after resigning, I took the Civil Service exam. And I would like to brag to the whole world na 90.8 ang average ko sa Civil Service exam! Armed with that confidence, I applied to several government agencies in Cagayan, and to the Isabela State University. So I waited.

And waited.
And waited some more.

In our quiet town, nobody could hear the anxious screaming inside my head. Minsan nga hindi ko na lang pinapansin ang mga worries ko about my career and about my job applications. Buti na lang may Cable TV kami noon so I watched a lot of documentaries sa Discovery, mga pelikula sa HBO, at kahit nga Star Chinese movies, pinanonood ko eh. I mastered the art of reading sub-titles habang nanonood ng mga scenes sa movie.

Somehow, I found a way to channel my faith and my idealism. I got involved sa youth ministry ng aming church. Naging President ako ng United Methodist Youth Fellowship sa aming Annual Conference, which is composed of more than 100 churches in Isabela. At hayun, natuto rin ako ng mga raket just to supplement my income para hindi naman ako totally umaasa sa parents ko.

Pero still, self-doubts assailed me. Ano na ba dapat ang ginagawa ko? Should I hold out and wait for the calls na magsasabing tanggap na ako sa trabaho? Dapat na ba akong bumalik sa Manila to get a job?

The answer came not long after. Nag-usap kami ni Mama about family, my plans at siempre kung paano ako makakatulong sa family finances. She gently reminded me that I was a UP graduate. That I deserved something better than staying at home all day. By that time, mahigit six months na kong tambay sa bahay.

After namin mag-usap ni Mama, tinext ko ang ilang friends about potential employment sa Manila. That same week, I packed my bags, at bumili na rin ako ng bus ticket pabalik ng Manila.

Right after my graduation, I was so sure that I’d be in Isabela to make a difference, to change the world. I even said that I’m gonna put my UP training to good use and not for some mere “call center.” Malay ko bang kakainin ko rin ang mga words na iyon two years after.

I had to admit some kind of defeat. So much for idealism.

Habang paakyat ang bus na sinasakyan ko sa mga bundok ng Sta Fe sa Nueva Vizcaya, I realized na hindi pala puwedeng puro puso lang. Idealism should be tempered by reality.

puso-monumento

Kinabukasan, pagkatapos ng ilang oras ng biyahe, nagising ako nang papalabas na ng NLEX ang bus. After a few minutes, nakita ko ulit ang familiar na Cloverleaf sa may Balintawak. Kitang kita rin ang mga road signs para sa iba’t ibang destinations. Diretso lang kung pupunta ka sa Manila. Turn right kung pupunta ka sa Monumento.

Interestingly, sa Monumento nag-uumpisa ang EDSA. Para bang isang reminder na idealism ang starting point ng ugat–ang highway– na nagdurugtong sa mga major cities ng Metro Manila. Sa totoo lang, bihira ako magpunta sa Monumento. Ni hindi ko nga yata ito nabisita ni minsan throughout my four years of College sa UP Diliman. At that moment na kababalik ko lang sa Manila from a failed ‘para sa bayan’ experiment sa aming probinsiya, out of the way ang Monumento para sa akin. I am going to the left, papunta sa Cubao at kung ano mang naghihintay sa next stage ng aking career at buhay.

* * * * * * * * * *

Your Turn

How about you? Do you have an experience in pursuing your idealism? Did it work? Was your experience similar to mine?

If you would do your own ‘para-sa-bayan’ experiment, how would you do it differently?

Super dami nang mga opportunities to do good in our world today. How would you pursue your idealism in this time and age?

Tags: , ,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*