Introduction
Naging familiar lang ako sa EDSA noong nag-umpisa na akong magtrabaho sa Makati bilang isang call center agent. Araw-araw, bumibiyahe ako mula sa Don Antonio Heights sa Quezon City papunta sa MRT Quezon Avenue station. Para lang makasakay, makikipila nang mahaba, pagpapawisan, kulang na lang makipagpalitan ng mukha sa mga kasabay kong pumapasok. Mas okay na yun kesa naman abutin nang siyam-siyam sa bus.
Back then, mas manageable ang crowds ng MRT-3. Ngayon, parang laging Zombie Apocalypse ang level ng pila sa MRT stations tuwing rush hour. 23.8 kilometers lang ang EDSA pero parang napakahaba nito dahil na rin siguro sa katakot-takot na trapik. Kung isa kang young professional o office worker sa alinmang business district sa Metro Manila, mahirap iwasan ang EDSA.
Bilang mga young professionals, hindi lang naman highway ang EDSA, isa rin itong symbol o metaphor ng ating mga paglalakbay sa buhay. Isipin mo—sa Northern end nito, nandoon ang Monumento ni Andres Bonifacio. Kung mag-LRT ka mula sa Roosevelt Station papunta sa Caloocan o Manila, makikita mo si Bonifacio, matikas na nakatayo kasama ang mga barkada niyang nagsipunit ng kanilang sedula para magrebolusyon sa mga Kastila. Sa kabilang dulo naman, nandoon ang malaking globo at ang Mall of Asia. Kung gusto mong mag-shopping, kumain, at mamasyal sa tabing-dagat, puwedeng puwede! Sabi nga ng tagline ng SM: “We got it all for you.”
Continue reading “Buhay Yuppie, Biyaheng EDSA: Paano Maging Young Professional”